Nariring mo ba ang Tinig ng Ating mga Bayani ?


“Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging wika ng Pamahalaan. Kailangan magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika.

Nagmula ang karamihan ng mga suliranin o pagkukulang na kasalukuyang nararanasan dito sa kawalan ng ating sariling wikang pambansa. Ang pagnanais gayahin ang lahat ng kilos banyaga kahit hindi alam kung ito'y mabuti o masama ay dahil sa isang kahinaan—ang kakulangan ng isang tunay na pambansang kamalayan. Hindi maaring magkaroon ng pambansang kamalayan kung saan walang wikang ginagamit ng lahat.’

Ayan ang wika ni Manuel Quezon ng ipinatupad niya ang Filipino bilang pambansang wika, ang kanyang sariling tinig na nagbabatid ng pangangailangan ng iisang lengguwahe. Sa kanyang  mabuting kagustuhan ay siya’y nagging Ama ng Wika.

Ang matahimik rin na mga salita ng La Solidaridad, na nagsasaad ng nais sa kalayaan at magkaroon ng sariling pamahalaan, bansa at wika. Ang mga makata, kagaya ni Jose Rizal, na sumulat tungkol sa importansya sa pagmamahal ng wika.

Ang rebolusyonaryong KKK, na tumutol at sumigaw sa kaisipan na masailalim sa mga Kastila, walang kalayaan at pagbabawal ng kaugaliang pambansa. Ang patuloy-tuloy na  labanan para sa bansang sarili, wikang atin at pamahalaang malaya.

Ang kanilang tinig ay maririnig parin, hanggang ngayon, sa buwan ng Agosto, ang Buwan ng Wika . Mga binigkas nila, ating sabayan. Ang kanilang sakripisyo, ating pahalagahan.

Gamitin ang wikang sariling-sarili, ang wika na puno ng kabayanihan.

Mabuhay ang Pilipinas ! 

This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook

1 comment:

batu bata merah said...

terima kasih semoga laris manis